Sharon Cuneta at Bea Alonzo, possible ba magsama sa isang proyekto?



May 18 ------ Isa ang aktres na si Bea Alonzo sa mga special mention ni Megastar Sharon Cuneta sa naganap na Mother’s Day concert niya nitong nagdaang Lingo May 10. Dito, isa rin sa naging biro ni Megastar ang intensyon nito na makasama niya sa isang proyekto si Bea. “To Bea Alonzo whom I loved for many years,” ani Sharon. Biniro din ni Sharon si Olivia Llamasan ng Star Cinema “Inang, hindi po talaga matatahimik ang aking puso hangga’t wala kaming project ni Bea, Star Cinema Hello! Kahit gumawa nalang kami online, okay na rin sa akin,” masayang tugon ni Megastar at sinabing “Uy Idea ‘yun huh (laughs) okay,” aniya pa. Sa ibinahaging Instagram story ni Bea mula sa naganap na concert ni Sharon, tila hudyat na ito sa pag oo ni Bea sa alok ni Mega. Taong 2018 nang huling napanood sa pelikula si Sharon para sa reunion movie nila ni Richard Gomez na “Three Words to Forever” kasama si Kathryn Bernardo. Samantalang 2019 naman nang huling napanood si Bea sa pelikulang “Unbreakable” kasama si Angelica Panganiban. Kung matutuloy, ito ang unang beses na magsasama sa isang proyekto si Bea at si Sharon. Source: push.abs-cbn.com