Zephanie's sparkling showbiz career
- Balitang Marino
- Oct 17, 2024
- 1 min read

October 17 ------ Hindi maitatanggi na isa si Zephanie sa pinaka-talented na singer ngayon sa bansa. Tubong Biñan, Laguna, maagang nangarap si Zephanie na makapasok at makilala sa music industry. Pero, bago niya makamit ang ningning na tinatamasa ngayon, dumaan siya sa hirap at mga kabiguan. Sa kabila nito, hindi pinanghinaan ng loob si Zephanie at patuloy na lumaban para sa kanyang pangarap. Ngayon, isa na siya sa mga mahuhusay at hinahangaang mang-aawit, na binansagang "This Generation's Pop Princess."
Zephanie
Bago pa man sumabak sa mga singing contest sa telebisyon, nagsimula ang karera ni Zephanie bilang batang aktres. Noong 2012, nabigyan siya ng role sa GMA series na Biritera kung saan, ani Zephanie, nag-audition siya dahil akala niya ay isa itong singing contest. Kuwento niya, "It turned out po na teleserye pala siya na tungkol sa mga sumasali sa mga [singing] contest na bata. Isa po ako sa mga napili roon na mga bata na kasama ng mga lead roles."
Acting stint
Bukod sa acting stint sa Biritera, nakakuha rin ng minor role si Zephanie sa fantasy anthology ng ABS-CBN na Wansapanataym noong 2013.
Kampeon
Si Zephanie ang kauna-unahang kampeon ng singing competition show na Idol Philippines noong 2019. Ito ang nagbukas ng maraming oportunidad sa kanya sa showbiz.
Singing contest
Bago pa man makamit ang tagumpay sa Idol Philippines, una nang sumabak si Zephanie sa ikalawang season ng The Voice Kids noong 2015 kung saan hindi siya pinalad na manalo. Noong 2018, sumali rin siya sa second season ng "Tawag ng Tanghalan," amatuer singing competition segment ng It's Showtime kung saan muli siyang nabigo.
Showbiz
Matapos na tanghaling kampeon sa unang season ng Idol Philippines, sunod-sunod na rin ang naging guestings at performances ni Zephanie sa iba't ibang TV show. Naging boses din siya ng ilang theme songs ng mga teleserye.
Awards
Mula 2019, iba't ibang awards na ang natanggap ni Zephanie dahil sa kanyang husay bilang isang mang-aawit tulad ng New Female Recording Artist of the Year mula sa 2021 PMPC Star Awards for Music, Most Favorite Pop Young Performer of the Year mula sa 2020 PPOP Awards for Young Artists, at Best Female Performance In A Concert mula sa 2020 Aliw Awards.
Source: gmanetwork.com
Comments