top of page
anchorheader

'Pulang Araw' earns praises for promoting moral values among Filipinos




September 11 ------ Patuloy na pinag-uusapan at umaani ng papuri mula sa mga manonood ang hit family drama ng GMA na Pulang Araw. Ang nasabing serye ay pinagbibidahan nina Barbie Forteza, Sanya Lopez, David Licauco, at Alden Richards. Napapanood din dito si Dennis Trillo sa kaniyang first kontrabida role. 

  

Umiikot ang kuwento ng Pulang Araw sa magkakababata na sina Adelina (Barbie Forteza), Teresita (Sanya Lopez), Hiroshi (David Licauco), at Eduardo (Alden Richards) na namuhay noong 1940s sa kasagsagan ng pamamalakad ng Amerika sa Pilipinas at sa pagdating ng mga mananakop na mga Hapones kabilang si Col. Yuta Saitoh (Dennis Trillo). 

  

Sa ngayon, hindi lang trending episodes ang pinag-uusapan ng netizens kung 'di maging ang mga aral na nakukuha nila sa serye. Matatandaan na nakatanggap pa ng pagkilala ang Pulang Araw mula sa Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB dahil sa magandang hangarin ng serye para sa Filipino audience. 

  

Sa Facebook, nakatanggap na maraming positibong komento ang serye mula sa netizens. Post ng isang fan, “Pulang Araw taught us the true meaning of freedom, a concept we often take for granted. This series shows us the story of the courage, hardship, and sacrifices made by every Filipino to gain the freedom we enjoy today. “It also emphasizes the importance of family and how friendship should be cherished. Pulang Araw truly deserves the certificate of appreciation from the MTRCB. Kudos to GMA, and please continue producing series like this.” 

  

Mensahe pa ng isang netizen, “Imagine Movie and Television Review and Classification Board na appreciate nya yung ganda at quality ng #PulangAraw bihira ang mga ganitong pagkakataon na mabigyan ng pagkilala mula mismo sa #MTRCB alam nila na ito ay talaga namang pinag-isipan at malaki ang magiging ambag sa telebisyon.” Ayon sa naturang fan, maraming aral sa buhay para sa mga Pilipino ang ipinapakita ng Pulang Araw. “Marami tayong natutunan at matutunan pa habang patuloy na nanonood nito. Maraming salamat din sa GMA Network dahil hindi lang itinataas ang kalidad ng serye kundi makabulohan din. binibigyan tayo ng mga seryeng maipagmamalaki sa buong mundo. Kaya mga Kapuso patuloy lamang tayong tumutok sa #PulangAraw 8pm sa GMA,” dagdag ng Kapuso fan.  

  

Mensahe pa ng isang Kapuso viewer, “Nakakatuwa ang GMA nagpapalabas ng Phillippine historical series tulad ng Pulang Araw, nakikilala ang mga Pinoy na nakipaglaban sa mga bansang nanakop sa Pilipinas at nadadagdagan ang kaalaman natin sa panahon na sinasakop tayo .Thank you GMA at kudos sa cast ng Pulang Araw ang gagaling ninyo.” 

  

Source: gmanetwork.com  

Comments


bottom of page