top of page
anchorheader

LJ Moreno on having an adopted child: 'I always had a heart for adoption'

  • Writer: Balitang Marino
    Balitang Marino
  • Jun 9, 2024
  • 1 min read


ree

June 9 ------ Kilala si LJ Moreno bilang mapagmahal na asawa at ina. Sa kanyang pagbisita sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, June 5, kapansin-pansin ang kaniyang motherly side. 

  

Sa panayam ni King of Talk na si Boy Abunda, ikinuwento ni LJ ang kaniyang istorya tungkol sa kaniyang mga anak. Dati raw talagang ipinapanalangin nila ng asawa niyang si Jimmy Alapag na magkaroon sila ng sariling anak. Pero noong hindi sila binayaan kaagad ng baby, kaya nagdesisyon sila na mag-ampon na lamang. Para kay LJ, talagang gusto niya raw ang ideyang mag-adopt ng bata noon pa. Ngunit para irespeto ang gusto ng kaniyang asawa na subukan muna magkaroon sila ng anak, hindi niya muna tinuloy ito. Aniya, "I don't know, I always had a heart for adoption ever since. But Jimmy, 'yung take niya at that time was let's try to have our own first before we do adopt. " 

  

Sa kanilang unang adoption, nagkaroon pa ng isyu ang mag-asawa nang hindi nila tuluyang nauwi ang iaampon nilang bata noon. "Before our son, there was another child na award sa amin pero nagkaroon ng... there's politics behind it," paliwanag ni LJ. Pero kahit naranasan nila ito, pinilit pa rin ni LJ na maging positibo na lang sa nangyari. "Kahit may desisyon ayaw ibigay. But then, parang imbis na maging negative, parang naging positive na inano ko na lang na,' Okay, Lord ikaw bahala ka na,' " pahayag niya. Kasunod ng pag-ampon nila ng kanilang panganay, nasundan ito ng magandang balita na buntis na pala si LJ sa panahon na iyon.   

  

Source: gmanetwork.com 

Comments


bottom of page