top of page
anchorheader

Jayda wants to prove she's more than just a nepo baby

  • Writer: Balitang Marino
    Balitang Marino
  • Jun 2
  • 2 min read


ree

June 2 ------ Determinado si Jayda, anak nina Dingdong Avanzado at Jessa Zaragoza, na magkaroon ng sariling marka sa showbiz. Kaya naman bagamat kilala na sa industriya ang kanyang mga magulang, sinisikap pa rin niyang tumayo sa sarili niyang mga paa. “Well, yung pag-start ko from zero, conscious decision ko talaga yun, As you are all aware, siyempre, with my parents and my family being in the business, of course, alam ko na it comes with a perception. I mean, di ba, may tinatawag na nepo baby?


“Pero importante po talaga sa akin na makilala po ako ng mga tao based sa aking mga pinaghirapan. Gusto ko po talaga to work for my place in this industry just as my parents did. Kasi for me, I honor their legacy and the mark that they've left on this industry by taking a path of my own,” pahayag ng 22-year-old singer-actress matapos siyang ipakilala bilang bagong talent ng Viva Artists Agency noong Huwebes, May 29.


Hindi naman niya itinanggi na malaking tulong na kilalang mga personalidad ang kanyang mga magulang. Ayon kay Jayda, naipasa na rin nina Dingdong at Jessa ang mga aral na napulot nila sa kanya. “Ang dami na po nilang pinagdaanan sa industriya na 'to. Marami na rin silang wisdom na napulot, na parang nakukuha ko po first hand. Yung mga experiences nila or yung moments in their career na kanilang na-experience, naipapasa po nila sa akin. “I think that's the best part. I have two very important people in my life that I'm able to share my experiences with,” aniya.


Kaugnay nito, madalas din daw pinapaalalahanan nina Dingdong at Jessa si Jayda sa kung anumang maaaring komentong matanggap niya. Matatandaan na minsan na ring humarap sa pamba-bash si Jayda dahil sa pagkaka-link niya sa kapwa showbiz personalities. Kuwento niya, “Ako po, nang nagdesisyon akong gusto kong pumasok sa show business, sinabi na talaga nila sa akin na, 'Handa ka na ba sa walang katapusang pagpapatunay sa sarili mo? Open ka na ba sa kahit anong pagtanggap sa 'yo ng publiko?' “Siyempre, tao lang din po ako. There are certain things na nasaktan din po ako, pero hindi naman ako masyadong napanghinaan ng loob kasi maganda po ang support system ko. “Basta ang turo lang po nila sa akin, there's no substitute for hard work. So, as long wala naman po akong tinatapakang tao doing what I do, all I can say is tuloy lang po talaga ako. “And I keep a positive mindset pagdating sa industriyang ito kasi nga ang dami ring nagtitiwala sa akin. Mas mabigat po ang opinyon nila kaysa sa mga sinasabi ng bashers.”


Sa huli, umaasa si Jayda na mabigyan siya ng pagkakataong mapatunayan ang kanyang sarili sa showbiz. Aniya, “Siyempre, pagpasok mo sa industriya, ang perks ng being a nepo baby or the daughter of two very well-known and established artist, meron nang perception ang mga tao about you. I really take it in stride and part of it also is carving your own path and breaking some levels of perception. Hopefully, mabigyan ka ng mga tao ng pagkakataon na magpakilala ka as your own person.”


Comments


bottom of page