Ivana Alawi on falling in love, wealth, and raising a family
- Balitang Marino
- Mar 11
- 3 min read

March 11 ------ Love life: "Wala nga akong time sa sarili ko eh. Kahit sa family ko hindi na kami minsan nag kakasabay kumain. Pero may pasulyap-sulyap na date ganun." On wealth: "Mayaman ako in different aspects. Mas mayaman ako sa pagmamahal,m sa pamilya, dahil andyan kayo. Yung pera naman mawawala rin yan. Basta saktong yaman yung ang impotante. Contented ako kung anong meron ako." On falling in love: "Siguro in two years. Kapag mga 30 na ako I think it's time for me to start focusing on love and (raising) a family."
Career collaboration: "Taasan ko na ang pangarap ko. Si Anne Curtis-Smith. Gusto ko rin si Mr. Beast. Mapagbigay kasi siya at natutuwa ako sa mga content niya."
On dreams: "Meron akong pangarap na maa-achieve ko na very soon. Pangarap ko siya dati pa. Pero siyempre in the future gusto ko ng makabuo ng pamilya. Pangarap ko siya bata pa lamang ako. Matutupad siya at malalaman naman ninyo agad. This month."
Health scare: "Nagkaroon ako ng trangkaso and so far yun pa lang. Sunod-sunod kasi ang trabaho. Walang katotohanan na magkaka-cancer ako sabi sa YouTube. Yung mama ko nag nag-alala roon. Sabi ko mama, kalma. Wala tayo nyan. Wala namang makakapag-predict kung kelan ka mawawala. Lahat naman tayo darating doon. Ang nakaka-alam lang ang Diyos." "Ang daming kumakalat na fake news na hindi ako okay. Okay na okay ako. It took a month to recover. Medyo nagkalaman ako pero happy naman ako. Wala na akong sakit."
On Barbie Forteza: "Mabait siyang tao at hindi siya nagbago. I love her. I love her ugali. Nagyaya siya mag-jogging, mag workout. She's very fit."
Producing content: On the spot namin naiisip yun. Yung mga prank at mag nangyayari sa streets, hindi ko talaga pina-plano yun. Kung ano lang ang mangyari. Mahirap maging content creator because you keep thinking of your next contents. Wala akong team na nag-iisip para sa akin. Ako lang lahat. Pag burnout na ako, pahinga lang ako."
What supporters can get from her contents: "Gusto ko na may natutunan silang lesson. At the end of the day, pagkatapos nilang manood, ano ba ang natutunan nila? That's why isa sa mga gustong kong ginagawa ay yung pagtuturo because nai-inspire sila. Marami rin batang nanonood."
Future TV projects: :May gagawin kaming teleserye. May movie rin this year. Yung love life saka na yun. Work muna."
On dream vacation: "Sana Amerika uli. Sana may work din sa abroad. Sana Iceland kung papayagan ako."
Advice for newbie content creators: "Good luck sa kanila at sana magpaka-totoo sila. Sana makapag-inspire din sila. Importante na makapag-inspire rin sila sa audience. Be mindful with what you post. Hindi ako perfect. Sinasabi ko lang sa mga content producers to be careful and be aware (sa mga posts) because maraming bata ang nanonood."
On endorsing political candidates: "Napaka-arte ko at choosy ako pagdating sa pulitiko. Hindi naman yan para sa akin or ikakaganda ko or para sa pamilya ko. Ito ay para sa PIlipinas. You have to be picky. Para ito sa mga kababayan natin. Ano yung magpapaganda sa atin? Kung pera sana lahat kinuha ko na at ang yaman ko na. Pero hindi lang siya pera eh. It's what you believe in and who do you think will make the country a better place."
Source: mb.com.ph
Comments