top of page
anchorheader

Isko Moreno and Buboy Villar look back on their past, give life advice




March 3 ------ Proud na ikinuwento ng Tahanang Pinakamasaya hosts na sina Isko Moreno at Buboy Villar sa Fast Talk with Boy Abunda ang kanilang pamamasura at pangangalakal noon sa kalye bago sila sumikat. 

  

Aminado sina Isko at Buboy na hindi naging madali ang buhay para sa kanila noon. Sa katunayan, naranasan pa nga raw noon ni Isko ang kumain ng mga itinapong pagkain mula sa isang kilalang fast food restaurant. 

  

Kuwento ni Isko sa batikang TV host na si Boy Abunda, “Kapag oras na na magsasara ang Jollibee, 'yun na 'yung masayang oras ko ng pamamasura dahil 'yung basura nila, ilalabas na. Doon na kami mamimili no'ng mga tira-tirang chickenjoy at saka 'yung burger. “E, 'di ba kapag 10 years old ka, 11 years old ka, 'di ka naman nakakabili e. Kaya 'yung… they call it pagpag, we call it batchoy, 'yun 'yung masayang moment kasi habang pinipili mo 'yung basura, [kumakain] ka ng spaghetti.” “Tapos alam mo 'yung everyday ginagawa mo yun. 'Yun 'yung parang pribilehiyo ng pagbabasura. Isipin mo araw-araw naka-chickenjoy ka, may burger, may spaghetti,” nakangiting sinabi ni Isko. 

  

Hindi rin iba kay Buboy ang pamumulot ng mga basura sa daan, dahil ito rin ang pinagkakakitaan nila noon ng kanyang ama. “Parehas po kami ni Yorme, nanggaling din po ako sa pamamasura. 'Yung tatay ko po actually ang professional work po niya ay chef pero 'pag madaling araw po siya nagbabasura at sumasama po ako sa kaniya,” ani Buboy. Kuwento pa ng actor-comedian, “That time po, hindi ko po makalimutan sa kalsada, mayroon pong sidecar, 'tapos 'yung sidecar po namin punong-puno na ng sibak mga ganyan, nandoon po ako sa taas natutulog siguro mga 5AM, 'tapos nahulog po ako tapos napagkamalan po ako ng tatay ko na humps. [Napasigaw ako] 'Aray!' [Sabi ng tatay ko] 'Ay anak anong ginagawa mo diyan?' 'Tay, alam mo naman na punong-puno hindi ka nag-iingat.'” Sa murang edad, hindi raw alintana kay Buboy ang hirap at pagod dahil masaya naman siyang makasama ang kanyang ama sa pamamasura. “Pero ang saya po sumama kasi…Oo, mahirap para sa ibang bata pero para sa akin 'yung ka-bonding ko 'yung tatay ko 'yun 'yung masarap,” ani Buboy. 

  

Paalala naman ni Isko sa mga nakakaranas din ng hirap, “Failure is inevitable. Ang pagkakadapa ay bahagi ng journey o paglalakbay ng isang tao. Ang importante lang, you keep on going up, tayo ka nang tayo, tuloy-tuloy ka lang at naka-focus ka lang sa mga pangarap mo sa buhay. “Along the way maraming stumbling blocks 'no? But these stumbling blocks, imbis na gawin mo siyang adversity, you can use that adversity to your advantage. Dagdag pa niya, “Hindi siya madali. Emotionally, talagang susubukin ang damdamin mo, but on all of these days and all the things na puwedeng mangyari sa'yo sa succes na kailangan mong makamit, kailangan mananalig ka sa Diyos.” Kilala ang tandem ngayon nina Isko at Buboy bilang hosts ng “G sa Gedli” segment ng noontime show na Tahanang Pinakamasaya kung saan naghahanap sila ng mga matutulungang kababayan.  

  

Source: gmanetwork.com  

Comments


bottom of page