September 21 ------ Simula nang umupo bilang isa sa mga representative ng Quezon City, nahati na ang oras ni Arjo sa showbiz at public service. At tulad ng ibang manggagawa, inamin niya na minsan ay nakararanas din siya ng stress. “Lahat naman tayo nai-stress siguro sa kanya-kanyang trabaho,” natatawang sabi ni Arjo.
Paano naman niya ito iniiwasan?
Sagot ni Arjo, “Definitely, the way to manage stress is time management. How do I work with it? Sa Congress po, mayroon kaming mga isang buwan at kalahati, minsan isang buwan o dalawang buwan, na bakasyon. Minsan, hindi naman talaga bakasyon, we also limit on the district. “Explain ko lang, during those times of my break, let's say one and a half, I divide it. Since wala po kaming Congress, we have no responsibilities in the plenary, I divide it po. I do taping, I do district work, I do taping, I do district work. That's throughout my vacation. Then, when I'm back sa Congress, I just have maybe shootings just once a week para, at least, it's divided sa district, Congress, and ang aking hanap-buhay din naman, ang acting.”
Aminado si Arjo Atayde na dumalang ang kanyang pagtanggap ng acting projects dahil mas gusto niyang pagtuunan ng oras ang kanyang pagiging representative ng 1st District ng Quezon City. Kaya naman lubos ang kanyang pasasalamat nang makatanggap siya ng pagkilala bilang Best Actor para pagganap niya sa TV series na Cattleya Killer sa katatapos lamang na 2024 ContentAsia Awards sa Taipei, Taiwan. “Marami naman din pong sumabak and luckily, we were given the opportunity to represent in the Best Actor category,” sabi ni Arjo sa entertainment media sa inihandang thanksgiving party para sa kanya kamakailan.
Ayon kay Arjo, natutuwa siya dahil sa pamamagitan ng kanyang mga acting project ay naipapakita niya ang kanyang pagiging malikhain bilang aktor. “I'm just really grateful that they've given me all these roles to be able to express my creativity as an artist without being boxed out in whatever way. It's been such a great journey. Eleven years na po. I'm always because nga every role has been an opportunity and learning curve for me.” Ayon kay Arjo, hinding-hindi niya iiwan ang buhay showbiz kahit ngayong pumasok na siya sa pulitika. Aniya, “With acting, that's my playground, e, as a person. Hanap-buhay ko rin po, that's also where I started, that's why also partly I am here [as a public servant] dahil sa showbiz. I won't take that away, that's a reality.”
Source: gmanetwork.com
Comments