top of page
anchorheader

Angel Locsin, dumipensa para kay Vico Sotto

Apr 2, 2020
1 min read


April 2 ------ Kumambyo ang aktres na si Angel Locsin para kay Pasig City Mayor Vico Sotto. Kasunod ito nang napapabalitang pagpapatawag ng National Bureau of Investigation o NBI para ipaliwanag ang paglabag umano nito sa ilang batas sa ilalim ng Enhanced Community Quarantine.


Sa isang tweet ni Angel, inihayag nito ang kaniyang opinyon sa balitang pagpapatawag ng NBI sa Pasig City Mayor. Matatandaan na kamakailan lang din, nagpahayag ng kaniyang pagka dismaya ang aktres kay Senator Koko Pimintel dahil sa nilabag nito ang utos ng kanyang doctor na magself-quarantine at pumunta sa isang ospital para samahan ang kanyang asawang buntis sa kabila nang pagiging positibo sa sakit na COVID-19. 


Sa Twitter din, inihayag ng aktres ang kaniyang saloobin sa naging kapabayaan ng Senador matapos na balikan ng isang netizen ang poster campaign ng Senador taong 2007 kung saan nagbigay suporta si Angel. Sa magkakasunod na tweet sinabi ng aktres na “Eww” ang naging pagsuporta sa elected senator.


Samantala, sa panayam naman ng TV Patrol nitong Miyerkoles April 1, sinigurado ni Mayor Vico na tuloy pa din ang trabaho niya bilang mayor sa kabila ng mga aberya. “Huwag na po natin intindihin ang politika. Basta ang lokal na pamahalaan ng Pasig ay ginagawa po ang lahat ng makakaya natin pati po doon sa social assistance po natin, nakikipag ugnayan po tayo sa lokal na pamahalaan. ‘Yung mga food packs po natin, tuloy-tuloy po ang distribution niyan. Hindi po madali ang paglaban natin sa COVID-19. Basta nagtutulungan po tayo, mula sa barangay level, national level. Kasama po kami sa city level ay masusulusyunan po natin ito,” pahayag ng Pasig City Mayor sa TV Patrol.


Source: push.abs-cbn.com



Comments


bottom of page