10 Saving Tips 2026
- Balitang Marino

- 9 minutes ago
- 1 min read

1. Magtabi Agad ng 20% ng Sahod – Huwag hintayin ang sobra, unahin agad ang ipon bago gastusin.
2. Mag-envelope o “alkansya” system – Ihiwalay ang pera para sa bills, savings, at luho para hindi maghalo-halo.
3. Iwasan ang “Gastos dahil Naka-Sale” – Kung hindi mo naman kailangan, huwag gumastos kahit pa naka-sale o may discount.
4. Magdala ng sariling baon – Malaking tipid ang bawas sa pagkain sa labas araw-araw.
5. Limitahan ang Online Shopping – Lagyan ng 24-hour rule bago bumili online para iwas impulseive buying.
6. Magtakda ng Target Goal Saving – Halimbawa, ₱50/day ipon challenge o ₱5,000/month savings goal.
7. Maglibang Kasama ang Pamilya Nang Hindi Gumagastos Nang Malaki – Park, free apps, o bonding sa pamilya kaysa gumastos sa mall.
8. Maglista ng Gastos – Para alam kung saan napupunta ang pera at makita kung saan pwedeng bawasan.
9. Umiwas sa Utang – Ang interes ay kalaban ng pag-iipon kaya huwag mong gawing normal ang mangutang.
10. Maghanap ng Extra Income – Small business, sideline, o online raket para dagdag kita, dagdag ipon.
Ang sikreto: Disiplina + Consistency.
Kahit maliit basta tuloy-tuloy, lalaki rin ang ipon.
Source: facebook: Peso Sense





Comments