top of page
anchorheader

Sarah Geronimo tells husband Matteo Guidicelli: 'Forever na 'to'


May 15 ------ Hindi naiwasan ng Popstar Royalty na si Sarah Geronimo na bigyan ng spotlight ang asawa niyang si Matteo Guidicelli sa kanyang 20th anniversary concert noong nakaraang Biyernes, May 12, sa Araneta Coliseum sa Quezon City.


Sa kalagitnaan kasi ng kanyang concert, habang naka-break, hinanap ng 34-year-old singer-actress si Matteo. “Nasaan ang asawa ko?” tanong ni Sarah habang pumaling ang camera sa nagbabalik-Kapuso na si Matteo. Pagkatapos ay nagbiro siya na, “Akalain n'yo nakapag-asawa ako ng Italyano? Magkakabahay na kami sa Italy… Ewan ko ba kung ano ang nainom ko. I love you, love. Pabayaan n'yo na po, paminsan-minsan lang ito.”


Nang magsisimula na sanang kumantang muli si Sarah, muling nai-focus ang camera kay Matteo, na akma namang hinahalikan ang pin sa kanyang suit na may larawan ng kanyang asawa. Natatawang reaksiyon ng “Tala” singer, “Ang kulit ng asawa ko, ang kulit-kulit akong mahalin. Wow.” Pagtuloy niya, “Sana hindi mauntog. Alam n'yo, kinakatakot ko 'yan araw-araw, baka biglang madulas, ma-realize niya, 'Nasaan ako? Bakit ganyan ang asawa ko?”


Matapos ang ilang segment, tinawag ni Sarah si Matteo para samahan siya sa stage. Habang naghihintay, sinabi ni Sarah sa audience, “Ang ibig sabihin daw ng Mateo ay 'God's gift daw.' Mayroon na po akong katuwang sa buhay. Pagkatapos ay pabiro niyang sinabi habang paakyat si Matteo, “Alam n'yo po, darating ang araw na ang asawa ko na lang ang magtatrabaho para sa amin. Kaya love, hinay-hinay na lang muna, gusto ko pang mag-VivaMax. Gusto ko pang magpalagay ng boobs.” Dito, biniro niya ang aktor tungkol sa kanilang pagpapakasal noong February 2020,” Dinesisyunan mo 'yan, forever na 'to.” Tugon naman ni Matteo, “Forever talaga.”


Kasunod nito ay inilahad ni Sarah ang mga natutunan nila ni Matteo bilang mag-asawa sa loob ng tatlong taon. “Alam n'yo po, kung ano ang natutunan namin sa marriage, ang forever, hindi 'yan guarantee, na dahil pareho kayo ng faith ng mag-asawa, it will last forever. What will make it last for a long, long time is your faith in God.' Di ba, love? Continuous 'yun, 'yung pagtitiwala, you continue to grow, kayo pong mag-asawa. 'Yung faith ninyo sa Panginoon, hindi nawawala. 'Di ba, love?” Tumango naman si Matteo bilang pagsang-ayon.


Sa puntong ito, pinasalamatan din ni Sarah ang bagong Unang Hirit sa matinding pagsuporta sa kanya sa pagbuo ng kanyang anniversary concert. Aniya, “Speaking of, pananampalataya, alam n'yo ang aking asawa ay maroon ding pagtitiwala sa akin. Talagang may mga gabing dinadaga po ako. Actually, ito pong concert na ito ay dapat noong February pa… ay hindi, dapat December pa yata last year. Pero talagang kinakabahan ako ng husto. But may mga taong patuloy pong nag-push sa akin to do this show, at isa po diyan ang asawa ko.”


Sinuklian naman ito ni Matteo ng mensahe ng pasasalamat. Sabi niya, “I'll have to say thank you to you, bubba, because you have inspired all of us. You've inspired [me]. I told you the other day, 'Love, close your eyes and realize how many people's lives you've touched.' How many individuals you've motivated, you made them bloom, you inspired them, you made them reach their dreams. It's because you've shown them that anything is possible with love,determination, and pure heart.”


Sa huli, sinabi ni Matteo, “You are the best thing that's ever happened to me. And you are the best thing that ever happened to all of us. I love you, love.”


Source: gmanetwork.com

Comments


bottom of page