top of page
anchorheader

Regine Velasquez, pinangunahan ang mga nagwagi sa PMPC Star Awards

Jan 27, 2020
1 min read

January 27 ------ Humakot ng parangal ang Kapamilya singers sa awards night ng PMPC Star Awards for Music na ginanap sa SM North Skydome sa Quezon City nitong Huwebes. Nanguna sa mga nagwagi si Asia's Songbird Regine Velasquez na pinarangalan ng Pilita Corrales Lifetime Achievement Award. Sa kanyang acceptance speech, inalay ng veteran singer ang kanyang award sa yumaong ama na si Gerardo "Mang Gerry" Velasquez.


"Nagpapasalamat po ako sa Panginoon dahil ako po ay binigyan ng pagkakataon na gawin ang pinakagusto kong gawin sa buhay ko, that is to entertain all of you. So maraming, maraming salamat, Lord, for this wonderful gift. Naiiyak ako," aniya. "I'd also like to say thank you to my whole family. Inaalay ko ang award na ito kay Mang Gerry," dagdag pa niya.


Samantala, pinarangalan naman si JK ng Song of the Year award para sa kanyang awitin na "Buwan", habang si Jaya naman ay nagwagi ng Album of the Year para sa kanyang record album na "Queen of the Soul". Si Moira dela Torre naman ang nagwagi bilang Female Recording Artist of the Year, habang sina Jed Madila at Christian Bautista ay nag-tie bilang Male Recording Artist of the Year.


Source: push.abs-cbn.com

Comments


bottom of page