top of page
anchorheader

Matteo Guidicelli tells secret to happy marriage with Sarah Geronimo


November 26 ------ Sa pagbisita ni Matteo Guidicelli sa Fast Talk with Boy Abunda ay inilahad niya ang kanilang sikreto sa masayang pagsasama ni Sarah Geronimo.


Ikinuwento ni Matteo Guidicelli ang kanilang magandang samahan ni Sarah Geronimo bilang mag-asawa. Tatlong taon na mula nang ikasal sina Matteo at Sarah sa isang private ceremony. Samantala, sampung taon naman na silang magkarelasyon ni Sarah. Nilinaw naman ni Matteo na tulad ng iba ay nagkakaroon din sila ng hindi pagkakaunawaan ni Sarah. Ani Matteo, "Oo naman, just like in any relationship." Para kay Matteo, gumaganda ang samahan ng mag-asawa kapag nahaharap sila sa mga ups and downs ng kanilang marriage. "Every relationship has its ups and downs and all. I think it's a beautiful journey, moment, arguing, quarreling, happy moments, sad moments.


At the end of the day, kapag tapos na ang lahat that's life e. All those little moments are beautiful that creates a single person to become stronger, better, and more loving." Saad pa ng Black Rider star na si Matteo, magandang experience sa kaniya ang buhay may-asawa. "Marriage is such a beautiful journey, such a beautiful moment, such a beautiful experience."


Diretso naman sa pag-amin si Matteo na seloso siyang asawa. "Oo, I'd like to believe. Hindi ko ipinapakita, pero oo." Pagdating kay Sarah, sinabi ni Matteo na hindi siya selosa. "Hindi naman siya selosa. I know my boundaries as a husband." Inilahad ni Matteo na nagpapasalamat siya kay Sarah dahil sa pagprotekta niya sa kanilang relasyon mula sa publiko. "I believe Sarah really protected our relationship. How? By being private and being silent from our industry and I am very thankful for that."


Source: gmanetwork.com


Comments


bottom of page