Kiray Celis talks about being with the right person
- Balitang Marino

- Jan 22
- 1 min read

January 22 ------ May bagong gentle reminder si Kiray Celis sa kanyang fans at followers tungkol sa karelasyon, pakikipagrelasyon, at pag-ibig.
Sa isa sa kanyang Instagram posts, ibinahagi ni Kiray ang ilang sweet photos nila ng kanyang boyfriend na si Stephan Estopia. Kakabit nito ay ang makabuluhang caption ng former child star at comedienne, “Kapag nasa tamang tao ka, you'll never question your worth.” “Kasi 'yung tamang tao, kusang ipaparamdam sa'yo 'yung halaga mo," pagpapatuloy niya. Pahabol pa ng aktres, "Yung tamang pagmamahal at respeto, kahit hindi mo ipilit, kahit hindi mo hingin, kusang ibibigay sa'yo kasi deserve mo."
Mababasa rin sa post ni Kiray ang appreciation message niya para sa kanyang non-showbiz partner. Samantala, ang photos sa naturang post ay kuha mula sa recent vacation nina Kiray at Stephan sa Bangkok, Thailand. Sa iba pang social media posts, mapapansin na talaga namang relationship goals ang couple. Matatandaang inanunsyo at kinumpirma ni Kiray ang tungkol sa relasyon nila ni Stephan noong December 2019.
Source: gmanetwork.com





Comments