Jolina reveals secret of 14-year relationship with husband Mark
- Balitang Marino
- 1 day ago
- 1 min read

June 24 ------ Isa sa itinuturing na pinakamatatag na pagsasama sa showbiz industry ay sa mag-asawang Jolina Magdangal at Mark Escueta. Halos fourteen years nang kasal ang TV host/actress/singer at ang Rivermaya drummer na si Mark Escueta. Biniyayaan sila ng dalawang anak, sina Pele at Vika.
Sa kabila ng pagiging isang asawa at ina, abala pa rin si Jolina sa kanyang showbiz career kung saan nae-enjoy niya pareho ang acting at hosting. Sa presscon ng Idol Kids Philippines nsa Dolphy Theater noong June 19, 2025, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jolina kung ano ang maibabahagi niyang sikreto kung paano tumagal at manatiling matibay ang relasyon ng isang mag-asawa?
Pahayag ni Jolina: "Siguro pag ang center niyo ay si God talaga, from your husband hanggang sa kung sinuman ang miyembro mo sa bahay, yung mga kasama sa bahay, yung mga tumutulong sa akin sa bahay, kumbaga, nandun yung prayers. "Very grateful, thankful sa mga nangyayari. I mean, mapagtutulung-tulungan kung ano ang magiging problema. "Kung ang No. 1 ay ang pagiging grateful, yun ang secret ng isang relasyon." Happy at contented sa buhay maypamilya, ganito rin sa kanyang showbiz career si Jolina.
Source: pep.ph
Comentários