top of page
anchorheader

Darren Espanto, bagong youth advocate ng UNDP PH

Apr 16, 2020
1 min read


April 16 ------ Bagong role ngayon ang gagampanan ng singer na si Darren Espanto, na ipinakilala bilang Youth Advocate ng UNDP o United Nations Development Programme dito sa Pilipinas. Sa pamamagitan ng social media platform ng UNDP, pormal na ipinakilala si Darren bilang katuwang ng organisasyon sa kanilang mga bagong programa para sa mga Pilipino. Ayon kay Darren: “Bilang Youth advocate, sisikapin ko pong itaguyod ang sustainable development goals ng UNDP para sa pangangalaga ng ating mundo, para sa lahat, at para sa kinabukasan ng ating kabataan,” aniya sa video ng UNDP Philippines. Sa personal Instagram account naman niya, masaya niyang tinanggap ang bagong adbokasiya na ito para sa kinabukasan ng mga kabataan. “In this time of uncertainty and difficulty, it is our obligation to look after each one and to make sure that we are doing our part to be of help. In this connection, I would like to inform everyone that I am now officially the newest Youth Advocate of the UNDP. It is truly an honor to be a part of this and I hope to be of service through this endeavor,” caption ni Darren sa kanyang post. Source: push.abs-cbn.com

Comments


bottom of page