December 16 ------ Ifinorward sa akin ni Paolo Contis ang inilabas ng Flix Patrol sa kanilang website, ang Top Movies on Netflix in 2021. Ang nasa Top 5 ay ang Hollywood films na Army of the Dead, We Can Be Heroes, Red Notice, Army of Thieves, at Kate. Pang-anim ang pelikula nila ni Yen Santos na A Faraway Land. Ang A Faraway Land din ang nanguna among Pinoy films, sumunod ang My Amanda nina Piolo Pascual at Alessandra de Rossi, at A Girl + A Guy nina Alexa Miro at Rob Gomez.
Tuwang-tuwa si Paolo at ang MAVX Productions na nag-produce din ng Through Night and Day. Nang nag-hit ang A Faraway Land sa Netflix, napag-usapan noon na baka gawan ito ng part two, pero wala na kaming balita kung itutuloy pa ito. Meron pa dapat silang gustong gawin kay Paolo na kukunan sa Canada, pero baka hindi na raw ito itutuloy. Ang latest na sabi ni Paolo, meron siyang gagawing pelikulang kukunan sa Japan.
Binanggit din sa akin ni Dennis Evangelista, line producer ng Heaven’s Best Entertainment ni Harlene Bautista, na gusto pa rin nilang gawin ang pelikulang pagbibidahan ni Paolo na kukunan naman sa Italy. Ang gusto raw sana nilang i-partner ay aktres ng Kapamilya Channel. Excited si Paolo sa mga naka-lineup na movie projects, pero sa ngayon ay masaya siya sa mga ginagawa niya sa GMA-7. Maganda ang feedback sa kanyang role bilang si Mikoy sa I Left My Heart in Sorsogon, at meron pa siyang Bubble Gang. Gustung-gusto na rin daw niyang bumalik na sa All-Out Sundays.
Pero sinabi ko sa kanyang hindi pa rin natatapos ang isyu sa kanila ni Yen Santos. May lumabas pa ngang kuwentong buntis na rin daw si Yen, na kaagad namang pinabulaanan ng Kapuso actor. “Tinanong din sa akin ni Ogie [Diaz] ‘yan. May nag-blind item daw, e. Hula lang nila, si Yen,” text ni Paolo sa PEP Troika. Wala akong naulinigang preggy si Yen. Pero sa panahon ng pandemic, “you can never can tell,” ika nga. Hindi na tayo nagtaka na No. 1 sa hanay ng Pinoy movies na nag-streaming this year sa Netflix Philippines iyong A Faraway Land. Para que pa’t tinagurian si Paolo na Netflix King. May nakapagbulong sa ating ikinunsidera si Paolo na magbida sa isang mapangahas na pelikula, kung saan may butt exposure ang gumanap.
Keri ba iyon ni Paolo? Aba, di ba, noong batang paslit siya ay may TV role siya na pinapaliguan siya at walang saplot?! Sa Lovingly Yours, Helen ba iyon noong late ‘80s? At least, nakapag-frontal na siya noong tsikiting pa lang siya?! Pabirong hirit ni Paolo, “Pwede pa naman hanggang ngayon, ah?!” At least, maraming work at blessings si Paolo, at marami siyang puwedeng i-share sa kanyang mga anak lalo na ngayong Kapaskuhan. This is the time na puwede niyang patunayan sa mga ina ng kanyang mga anak na hindi man nagtagal ang kanilang mga relasyon ay hindi niya kinakalimutan ang mga anak niya, lalo na ngayong subsob siya sa work.
Source: pep.ph
Comments