Ronnie Liang isa nang reservist ng AFP



February 18 ------ Bukod sa pagiging pilot ay natapos na rin ng singer-actor na si Ronnie Liang ang military training niya nitong February 14 sa Capas, Tarlac under Armor “Pambato”Division (AD). Ani Ronnie, “Started this 2018 pa pero wala akong sinabihan. I actually volunteered. I said na gustokong maging parte siyempre to serve the country, to help the community lalo nasa panahon ng pangangailangan. Remember, Marawi siege? Yon ang nagpagising sa akin na talagang kailangan natin magtulungan as a nation.” May ranggong 2nd Lieutenant si Ronnie sa AFP. Madali siyang na-qualify dahil nakatapos siya ng college at nag-take din ngROTC. Physicially fit din siya.


“Sobra ang paghanga at pagsaludo ko sa AFP, sa Armor Division, sa lahat ng sundalo. Hindi madali ‘yung ginagawa nila sa bayan. ‘Yung pawis nila ang sumisimbolo sa dedikasyon nila at sa serbisyo nila,” sambit paniya. Dumaan si Ronnie sa Mechanized Infantry Operations Training (MIOT) to further equip his reservist competencies in addressing conventional and external threats. Bahagi rin ng training ang pag-highlight sa mga battle drills, armored vehicle defensive driving, raid mission training, and lectures on enemy armored threats. “Grabe yung training. Such a humblingexperience. 4 a.m. pa lang gumigising na. Super strict sa time and kilos. Dapat talagang mabilis kang kumilos. From eating your food to taking a bath. “Sobrang ma-physical nung training, but at the end of theday iisipin mo na malaki ang maitutulong no’n sa character mo and pagmamahal mosa bayan natin.”


Samantala, bilangpormal na kasapi ng AFP family, nilagyan si Ronnie ng black beret at mechanized patches na sumisimbolo sa respeto, dedikasyon, passion, commitment, pagmamahal sa ginagawa, at sakripisyo ng buhay para sa bansa. Ayon sa kanya, ipagpapatuloy pa rin n’ya ang pagpipiloto hanggang sa maging commercial pilot siya. Last year, nakuha n’ya ang pin bilang isang pormal na private pilot. Pagdating naman sa kanyang singing career, prino-promote ngayon ni Ronnie ang collab song niya with PopStar Royalty Sarah Geronimo titled “Liwanag” na available ngayon sa Spotify and other digital music platforms.


This year, magpro-produce din si Ronnie ng new songs dedicated to his supporters. He’s also one of the performers for PAGCOR Tour and part of the upcoming movie under VIVA Films that stars Bela Padilla and Marco Gumabao. “2019 was such a good year for me. Super blessed talaga. Kaya super thankful talaga ako kina Boss Vic of VIVA, sa family, and sa supporters ko. I will continue making music. And will always find time to manage everything from being a pilot to being a 2ndLt. “Ngayon, mas lumalim talaga yung pagmamahal ko sa bayan natin. I’m encouraging din ang mga kabataan to join the army and promote ROTC. Let’s all help each other,” huling pahayag ni Ronnie sa PUSH.


Source: push.abs-cbn.com