Regine Tolentino gives birth to third daughter



April 11 ------ Proud mommy moments ang ibinahagi ng isa sa mga original Star Magic Artist na si Regine Tolentino. Sa Instagram, masyang ibinahagi ni Regine ang bagong blessing na dumating sa kanyang buhay. “At a time of uncertainty and anxiety, everyone is looking for a spark of hope, a miracle that will raise our spirits and make everything better. This blessing can come in any shape or form. Ours came on March 17, 2020 at 9:25pm,” caption ni Regine sa kanyang post. Limitado man sa pagbibigay detalye, masaya naman na binati si Regine ng kanyang mga kaibigan, kabilang na si Claudine Barretto na nagulat sa panibagong blessings kay Regine. “OMG I didn’t even know you were pregnant. Anyhow, congratulations.” pagbati Claudine. 2018 nang ibinahagi ni Regine na napawalang bisa na ang kaniyang kasal sa ex-husband na si Lander Vera-Perez, na ama ng kanyang unang dalawang anak. Ikinasal sina Regine at Lander taong 1997 sa dalawang magkahiwalay na ceremony. Noong 2016, matapos ang 18 years na pagsasama ay naghiwalay ang dalawa. Inamin din sa ilang interview ni Regine na hindi sila on speaking terms ng kanyang ex. Source: push.abs-cbn.com