top of page
anchorheader

Rabiya Mateo, isa nang ganap na Kapuso


November 21 ------ Opisyal nang Kapuso si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo matapos na pumirma ng kontrata sa GMA Network nitong Huwebes, November 18. "To be honest, kanina, para akong maiiyak," sabi ni Rabiya sa showbiz press matapos ang contract signing. "It’s the joy talaga of fulfilling another dream. Of the trust na binigay sa'yo ng network, to give you projects na kahit, to be hontest, I’m not yet well-experienced, but they believed in the potential they saw in me," patuloy niya.


Saad pa ng Ilongga beauty queen, "So I’m just grateful to be here, to be part of the GMA family." Kinatawan ni Rabiya ang Pilipinas sa Miss Universe pageant na ginanap nitong nakaraang Mayo. Nakapasok siya sa Top 21 candidates, at si Andrea Meza ng Mexico ang nag-uwi ng korona. Unang sumabak sa pag-arte si Rabiya sa nakaraang Holloween special ng “Kapuso Mo, Jessica Soho.” Makakasama naman siya sa upcoming GMA series na “Agimat ng Agila” Book 2.


Source: gmanetwork.com

bottom of page