Gazini Ganados, ikinuwento ang unang paghaharap nila ng ama: ‘He never knew that he had a daughter’



February 13 ------ Pagbalik ng Pilipinas mula sa kumpetisyon sa Miss Universe 2019 noong Disyembre, isang sorpresa ang natanggap ni Gazini Ganados nang makaharap niya na sa wakas ang nawawalang ama. Sa episode ng Magandang Buhay nitong Miyerkules, February 12, ikinuwento ng beauty queen ang sorpresa at unang pagkikita nila ng ama, na ayon sa kaniya’y napanood ang nauna niyang guesting sa morning talk show.


"Yung taping natin pala nakaabot sa kaniya kasi yung friend niya nagsabi na, 'This girl is familiar, maybe this is your daughter.' So nag-message siya sa Facebook page ko, which is ini-screen ng boyfriend ko if in case lang na may bad comments. So nahanap niya yung message ng dad ko, so they started to come up with a surprise na. When I got back, that’s when the surprise happened," sabi ni Gazini na tinutukoy ang isang guesting niya sa Magandang Buhay kung saan ay emosyonal siyang nanawagan para makilala ang amang hindi niya pa nakikita.


"When he turned around, na-shock talaga ako, I was so speechless. Alam ko lang na siya kasi mayroon kaming frame sa bahay namin na photo niya nung college sila ng mom ko. And then sobrang kamukha ko talaga, he's like the male version of me," dagdag ni Gazini. Lumaki sa Cebu kasama ang kaniyang ina at lolo si Gazini. Sa kaniyang Instagram post nitong January, unang ibinahagi ng beauty queen ang unang pagkikita nila ng Palestinian father. "He said naman na he never knew that he had a daughter and that when he left he asked my mom to go with him. And then my mom said she'll take care of my grandparents.”


"They were together for four years and they were trying to create a baby but it didn't happen. Until they parted ways, and that's when my mom [learned that she's] pregnant," paliwanag ni Gazini. Sa kabila ng sitwasyon, hindi raw nagawa ni Gazini na magtanim ng sama ng loob sa ama. "'I don't have any grudge with you and that I am so happy to meet you finally after searching for you in forever. And then he said he's sorry and he didn't know anything about it, and he loves me and he's so proud of me and I'm so happy," paliwanag ng Miss Universe PH candidate.


Source: push.abs-cbn.com