Dingdong Dantes, isa nang lieutenant commander ng Philippine Navy


January 29 ------ Isa nang ganap na lieutenant ng Philippine Navy ang aktor na si Dingdong Dantes.


Kinumpirma ito ng kanyang asawa na si Marian Rivera nang magbahagi ang aktres sa Instagram ng ilang retrato kuha mula sa “donning of the ranks” ceremony ni Dingdong sa Philippine Navy headquarters umaga nitong Lunes.


“Lieutenant Commander Jose Sixto G. Dantes III PN (Res). Super proud of you my husband... Salute,” tugon ng aktres sa kanyang caption. Bukod kay Marian, present din sa seremonya ang pamilya ng “Fantastica” star. Na-enlist si Dantes bilang Navy reservist noong 2017.


Source: push.abs-cbn.com