Angel Locsin explains why she refused to sign her ABS-CBN contract



February 17 ------ Bilang paghahanda sa kaniyang nalalapit na kasal, inamin ng aktres na si Angel Locsin na wala siyang kontrata ngayon sa Kapamilya network. Sa isang Instagram post kung saan nagbigay suporta si Angel sa franchise renewal ng Kapamilya network, inilahad rin ng aktres ang tunay na dahilan kung bakit minabuti niyang hindi muna pirmahan ang management at network contract bilang isang ABS-CBN star.


“Sa ilang taon ko po sa ABS-CBN, nakilala at minahal ko ang mga tao dito. I have listened and known their stories — kung anong mga pinag-iipunan nila, magkano pa ang utang, sino ang nagkasakit... lahat pinagpapaguran para po sa pamilya nila. “I may have not renewed my contract with ABS since I’m preparing for my wedding, but these men will always be my family and I will stand by them. Mahal ko sila at hindi po ito drama kundi kung sino po ang mas magdurusa sa sitwasyong ito,” bahagi ng post ng aktres sa Instagram.


Matatandaan rin na sa huling panayam kay Angel sinabi niyang gusto niyang tutukan at samahan ang fiancé na si Neil Arce sa pag-aasikaso sa kanilang nalalapit na kasal na gagawin ngayong 2020. At nitong Valentine’s Day, espesyal rin ang naging post ng aktres sa Instagram kasama ang soon-to-be husband na si Neil. “Celebrating our last Valentine's day as boyfriend and girlfriend,” caption ni Angel sa post. Isa ang kasalang Angel at Neil sa mga inaabangan ng karamihan ngayong 2020.


Source: push.abs-cbn.com