MANILA, Sept. 3 -- Malacanang announced today the phase out of the government training program for caregiving because of over-supply of caregivers in the country.
The President instead ordered a shift from healthcare to the training of more dressmakers, hair-dressers, welders, automotive or auto mechanics, cellphone repairers which are in big demand abroad or vocational and technical courses, including skills upgrading. The President made the announcement in her speech at the opening of the first jobs fair for Muslim Filipinos held at the Philippine Trade and Training Center (PTTC) in Pasay City.
Sponsored by the Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) and the Department of Education (DepEd), the jobs fair held today (Wednesday, Sept. 3, 2008) exclusively for Muslims was attended by graduates of the ALIVE (Arabic Language and Islamic Value Education) of the DepEd. The President said under her administration, an estimated eight million jobless people received job skills training from the government, twice the number in the previous 14 years.
“Ginagastusan natin ang iba't ibang training programs, kabilang ang maikling pagsasanay na pagkakakitaan agad, tulad ng pananahi, may nakita akong dressmaking dito. Sabi ni Buboy maganda ang mga opportunity o pag-ayos ng buhok. Sana maganda rin ang opportunity doon. Pini-phase out na natin iyong caregiving, kasi sobra na ang supply. Kaya iyong mga hindi makakuha ng trabaho sa caregiving ngayon, pumasok kayo muli sa ibang klaseng training, dahil marami pang iba,” she said. “Iyong mga mas mahahabang programa tulad ng welding, automotive, cellphone repair na malaki ang demand sa labas ng bansa at mga kursong vocational o technical kabilang na ang skills upgrading. Eto, alas diyes tayo nagsimula ng programa pero anong oras nagsimula itong jobs fair? Eight o’clock. Eh, sabi ni Secretary Lapus sa akin, ilan na diyan ay nakakuha na ng trabaho. Diyan sa call centers mayroon ng nakakuha ng trabaho,” the President said.
“Bukod tangi ang programang TVET with ALIVE. Sapagkat ito ay nakalaan lamang para sa mga kabataang Muslim. Habang binibigyan kayo ng mga alternatibong kaalaman at livelihood training, binibigyan din kayo ng mga karagdagang kaalaman na sang-ayon sa mga panuntunan ng Islam,” the President said. “Sa programang TVET with ALIVE, ipinagsasama ang programa ng Madrasa at ang pagtuturo ng kasanayang pangkabuhayan batay sa ginawang pagsangguni sa mga kabataan sa tatlumpu’t walong bayan na karamihan Muslim, napili ang mga kursong tumututok sa mga pangangailangan at hinahangad na trabaho ng mga kabataan na Muslim,” she said. “Nitong nakaraang limang buwan halos isang libong Muslim na out-of-school youths mula Metro Manila at Pampanga ang binigyan ng ALIVE training kasama ang pagsasanay para sa kabuhayan o TVET Sabi ni Jing Lapus, ang target ay 25,000 Muslim youth to be able to benefit from TVET with ALIVE. At sa pamamagitan nitong jobs fair, inaasahan nating makapaghanap kaagad kayo mga kabataang Muslim ng trabaho kaya natin idinaos itong exclusive na jobs fair para sa inyo,” the President said.